8

Oct 18, 2020 @ 16:51
By

Hataman pumalag sa madrasa remark ni Gapay

Ayon kay Basilan Rep. Mujiv Hataman, “dangerous” at “unfair” ang pahayag ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na iniuugnay ang mga “madrasa” o Islamic school sa umano’y radicalization ng kabataan sa Mindanao.

Matatandaang sinabi ni AFP Chief Gen. Gilbert Gapay na hinihinala nilang sangkot sa “radicalization activities” ang mga madrasa sa Sulu at iba pang bahagi ng Mindanao, na makapagpapaliwanag ng paparaming bilang ng mga suicide bomber sa bansa.

“The armed forces should not be making general statements linking madrasas to terrorists without presenting irrefutable proof of its existence. It is dangerous and unfair, and it serves no real purpose but to unjustly put our schools in a very compromising situation,” sabi ni Hataman.

“Produkto ako ng isang madrasa, at limang taon akong nag-aral dito. Hindi ako kailanman nakarinig ng kahit na anong turo ng tungkol sa terorismo. Sa katunayan, tinuturuan kami dito na huwag gumawa ng masama at manakit ng kapwa.”

“Bilang isang magulang, natatakot ako sa statement na ito ng AFP. Pa’no kung ang anak ko ay nag-aaral sa isang madrasa? Ano ang mararamdaman ng mga estudyante na sila pala ay iniimbestigahan na?,” saad niya pa.

Hinamon ng mambabatas ang hepe na magsampa ng kaukulang kaso kung may patunay ang huli sa mga akusasyon nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?