20

Oct 8, 2021 @ 16:11
By

Hataman humirit ng isa pang termino

Muling tatakbo si House Deputy Speaker Mujiv Hataman sa pagka-kongresista ng Basilan sa 2022 elections.

Kasama ni Hataman ang kanyang misis na si Isabela City Mayor Sitti Djalia Turabin-Hataman at mga anak na sina Amin at Umara ng maghain ng certificate of candidacy ngayong Biyernes sa Commission on Elections provincial office sa Isabela City.

“Marami na tayong magagandang nasimulan para sa Basilan. Pero hindi pa tapos ang laban – ang laban sa kahirapan, ang laban sa terrorismo, ang laban para sa maayos na kabuhayan, at laban sa anumang uri ng diskriminasyon,” sabi ni Hataman.

Bago muling naging kongresista noong 2019, si Hataman ay regional governor ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) hanggang mabuwag ito at palitan ng Bangsamoro ARMM.

Si Hataman ang may-akda ng panukala na gawing Basilan State University ang Basilan State College, ang unang unibersidad sa probinsya.

Isinusulong din ni Hataman ang pagkakaroon ng Basilan Science High School, TESDA sa Isabela City, Basilan Sports Academy, at sangay ng pamahalaan na mangangalaga sa traditional arts sa Mindanao.

Itinutulak din ni Hataman ang panukalang Marawi Siege Compensation Act na nakabinbin ngayon sa Senado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?