10

Jul 30, 2020 @ 13:42
By

Hataman ayos lang maligwak bilang Deputy Speaker

“Ang importante naman sa akin ay ang paninindigan ko. Hindi naman mahalaga sa akin kung ano ‘yung title ko.”

Sinabi ito ni House Deputy Speaker at Basilan Rep. Mujiv Hataman, matapos tumindig laban sa mga tinutulak na panukala ng gobyernong Duterte.

Tinanong kasi ang mambabatas sa ABS-CBN News Channel interview, Miyerkoles, kung namemeligro ba ang kanyang pagka-Deputy Speaker sa Kamara dahil nga sa kanyang mga opinyon.

Tugon ni Hataman, “Well, actually, wala tayong magawa. Iyon ang position natin.”

“Well pagbalik ko, I will talk with the Speaker kung ano ang policy nila.”

“Well ako, kahit ano. Ang importante naman sa akin ay ang paninindigan ko. Hindi naman mahalaga sa akin kung ano ‘yung title ko,” aniya pa.

Matatandaang bumoto ang Basilan Rep. kontra sa pagpasa ng kontrobersiyal na Anti-Terrorism Act of 2020, dahil hindi aniya nito nilalabanan ang terorismo kundi nagbibigay ang panukalang batas ng kapangyarihan na bansagan ng estado na “terorista” ang sinumang gustuhin nila.

Isa rin si Hataman sa 11 kasapi ng House of Representatives na pabor mabigyan ng bagong prangkisa ang ABS-CBN.

Nagkomento rin ang mambabatas–na dating gobernador ng now-defunct Autonomous Region in Muslim Mindanao–sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa panlima nitong State of the Nation Address noong Lunes.

Tweet ni Hataman, “Sana binigyan na rin ng taning ang Marawi rehab katulad ng pagbibigay ng taning sa Smart and Globe.”

Kabilang ang Basilan Rep. sa 22 Deputy Speaker ng Kamara sa ika-18 Kongreso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?