115

Nov 25, 2021 @ 19:09
By

Hashtag Zeus na-badtrip, nagbanta kay Nikko

Kilala talagang mapang-asar itong isang miyembro ng Hashtag na si Nikko Natividad.

Hindi nakaligtas sa pang-o-okray ang kaniyang co-member at kaibigan na si Zeus Collins.

Sa isang Tiktok video na ipinost din nito sa kaniyang Instagram, makikitang inilabas ni Nikko ang mga throwback picture ni Zeus noong ito ay medyo bata pa.

Makikitang jologs pa ang pormahan at pag-pose ni Zeus na siyang uso noon.

“Mahal kita alam mo ‘yan. Malayo pa mararating mo @hashtag_zeuscollins,” caption ni Nikko sa nasabing video.

Nag-comment naman dito si Zeus at pabirong sinabi na magpaalam na si Nikko sa kaniyang pamilya.

“Mag paalam ka na sa pamilya mo,” comment ni Zeus.

Hindi rin nakaligtas si Hashtag Jimboy Martin nang ilabas din ni Nikko ang throwback pictures nito sa isa pang Tiktok video.

https://www.instagram.com/tv/CWqb62oFfiI/?utm_medium=copy_link

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?