10

By

Hashtag Nikko bilib sa galing ni Pepe Herrera

Sharing is caring!

 
Muling sumabak sa comedy movie ang Kapamilya actor/TV host/dancer na si Niko Natividad.
 
Mapapanood siya sa pelikulang The Hopeful Romantic na tinatampukan nina Pepe Herrera at Ritz Azul, sa pamamahala ni Direk Topel Lee.
 
Inusisa namin ang role ni Nikko sa naturang pelikula na ipalalabas na sa Setyembre 12.
 
Esplika ng actor, “Suport po ako ni Pepe Herera rito, ang movie ay isang RomCom. Bale ang movie na ito ang first movie ko po sa Regal.”
Ang last movie ni Nikko ay ang Bakwit Boys na seryoso ang character niya. Kaya aminado siyang mas magaan ang bago niyang pelikula.
 
“Opo, comedy ito kaya mas magaan po sa akin noong ginawa ko ito, dahil ito po talaga ang forte ko. Sa Bakwit ay nahirapan talaga ako dahil malayo sa totoong character ko iyon.”
 
Ano ang masasabi niya sa kanilang direk?
 
“Si direk, mabait na director at kalma siyang director. Balita ko nga, more on sa horror director siya. Kaya nakakatuwa dahil tumalon siya sa comedy film.
 
“At hinahayaan niya kami na mag adlib.”
 
Pinuri rin ni Nikko ang mga bida ng kanilang pelikula na sina Ritz at Pepe.
 
“Yes. nakaeksena ko sila, iisa kami manager ni Ritz. Mabaet sil pareho at kwela sila lalo na si pepe. 1st project ko to na makatrabaho sila at ayos naman dahil hnd ako naiilang saknilang dalawa
 
Paano niya ide-describe ang brand of comedy ni Pepe? Anong klase siyang comedian?
 
Tugon ni Nikko, “Si Pepe ang galing niyang umarte, iyon kaagad ang napansin ko sa kanya. Siya itong tipong… hindi basta pagpapatawa ang ginagawa niya, dahil iba po iyong actingan niya, eh.
 
“Marahil, dahil matagal na rin siya sa theater,” saad pa ni Nikko.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?