35

By

Hashtag Nikko at Alex Medina, nagkakamabutihan na?

Sharing is caring!

Nakahuntahan namin ngayon ang Hashtag member na si Nikko Natividad at excited na ibinalita niyang isa siya sa mapapanood sa ‘Ipaglaban Mo’ ng ABS CBN ngayong Sabado.

“Ito po, mayroon akong Ipaglaban Mo sa Sabado na first major role ko sa Ipaglaban Mo,” panimula ni Nikko.

Dagdag pa niya, “Dito, ibang Nikko rin po ang makikita nila. Nasanay kasi ang mga supporters ko na kapag Nikko ang napapanood nila, comedy ang role.

“Pero rito sa episode sa Sabado, seryosong actingan at iyakan ang mapapanood nila. Ang bida rito ay si Alex Medina, isa siyang transgender at ako ang boyfriend niya.

“Abangan po ninyo ang pag-arte ko ng drama rito. hahaha!” Pabirong saad pa ng Kapamilya actor/TV host.

Ano ang masasabi niya kay Alex, anong klase siyang katrabaho?

Esplika ni Nikko, “Noong una siyempre medyo na-intimidate ako dahil seryoso siyang tao. Pero noong nakapag-start na kami, nakapag-loosen up na kami pareho, naging okay na. Kailangan na mag-focus talaga, lalo na po at marami kaming sweet na eksena rito ni Alex.”

Bukod kina Alex at Nikko, tampok din dito sina Juliana Parizcova, Kakai Bautista, Ana Abad Santos, Henz Villaraiz at Maika Rivera.

Abangan ang ‘Ipaglaban Mo’ sa episode na ‘Umasa’ ngayong Sabado, 3:15 pm pagkatapos ng ‘It’s Showtime’ sa direksyon ni Chiqui Lacsamana.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?