179

Jul 30, 2018 @ 18:15
By

Hashtag ng pagsisimula ng telefantasya ni Alden Richards, PH top trending topic

As we beat our TNT RADAR deadline, humamig na nang mahigit kalahating milyong tweets (as of 4:30PM) ang hashtag na #VictorMagtanggolAngSimula para sa premiere telecast ng inaabangang telefantasyang “Victor Magtanggol” ni Alden Richards.

Ngayong gabi na ang initial telecast ng series pagkatapos ng “24 Oras” nina Mel Tiangco, Vicky Morales at Mike Enriquez.

Nakaabang na ang mga tagahanga ng Pambansang Bae lalo na’t magkakaroon ng Twitter invasion ang bida ng “Victor Magtanggol,” kasama ang iba pang cast, habang on-going ang airing nito sa primetime.

Nu’ng grand mediacon ng series, inulit ni Alden na hindi copycat ang “Victor Magtanggol” sa ibang palabas.

“Hindi po kami copycat kasi original concept po ito ng Pinoy and ang Norse Mythology is a public domain… Kung hindi po ako ‘yung gumaganap bilang Victor Magtanggol as a regular viewer, magkakaroon po ako ng misconceptions na ganu’n pero heto po, kaya po natin ipinapaliwanag sa lahat na public domain po ang Norse Mythology. Anyone can create stories out of the mythology kasi wala pong nagmamay-ari sa kanya,” paliwanag ng award-winning Kapuso actor.

Ang “Victor Magtanggol” ay mula sa direksyon ni Dominic Zapata who has helmed toprating GMA programs tulad ng “Mulawin,” “Darna,” “Captain Barbell,” “My Husband’s Lover” at “Alyas Robin Hood.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?