61

By

Hashtag Jon Lucas lapitin ng aksidente

Sharing is caring!

Malapit talaga pala sa aksidente itong Hashtag member na si Jon Lucas. Hindi namin alam kung may signos ba ito o nagkataon lamang ang mga pangyayari sa kanyang buhay, huh!

Nalaman namin na naaksidente siya sa shooting ng Haunted Forest na entry ng Regal Films sa darating na MMFF 2017. Sa isang eksena pala na naka-harness siya ay kinukunan ang laban niya sa isang halimaw kung saan siya ay humagis talaga at ang lakas daw ng pagkakabagsak niya sa lupa.

Ang lakas nga raw ng impact nito kaya maging siya nataranta pero mabuti na lang at magagaling at attentive ang nasa production kaya naging okey raw siya.

‘Yun nga lang, baka kung tinamaan ang kanyang spinal cord, at talagang malakas ang bagsak, naku, baka mabaldado siya.

Kaya, pinayuhan siya ng malalapit sa kanya na ingat-ingat siya dahil mukha ngang kinakawayan siya ng aksidente at baka sa susunod, naku po, knock-on-wood, e, iba na ang mangyari sa kanya, noh!

Pero,hindi raw niya talaga makakalimutan ang mga karanasan niya sa shooting ng Haunted Forest dahil sa naging magandang samahan nila ng cast katulad nina Maris Racal, Jane Oineza at Jameson Blake pati ang mga kakaibang experiences nga niya katulad nga ng pagbagsak niya at ang mga eksenang nakahiga siya sa lupa at may malalaking langgam na naglalakad-lakad sa kanyang katawan.

Kalokah rin, ha?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?