66

May 11, 2021 @ 10:50

Harurot kahit walang sunog: Bumbero nambangga ng babae sa sidewalk

Tumilapon ang isang babae matapos itong mabangga ng isang firetruck sa Barangay Magtanggol, Pateros nitong Linggo ng gabi.

Sa CCTV footage na binahagi ni Michaella Lim, makikita ang mabilis na pagpapatakbo ng firetruck na napag-alamang mula sa Bureau of Fire Protection-Pateros.

Nang paliko na ay natumbok ng firetruck ang dalawang babae, kung saan ang isa ay naararo at lumupasay sa sidewalk.

Kinilala ang suspek na si FO2 Ramon Lactao II, habang ang biktima naman ay si Annie Tiar, 30.

Ayon sa pulisya, nakakulong na sa Pateros Police Station ang bumbero, na may nabangga pang isang kotse.

Buhay naman ang babae, ngunit nanganganib na mawala ang isang mata nito, na napasok ng basag na PVC.

Wala naman umanong rerespondehang sunog ang firetruck, na pabalik na sa kanilang istasyon.

https://www.facebook.com/mikaeyluh.limii/posts/1371473083251632

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?