107
Hart masama ang tingin: Inis ni Harden binunton sa bola, sapol sa mukha!
Oct 27, 2019 @ 15:28
By

Hart masama ang tingin: Inis ni Harden binunton sa bola, sapol sa mukha!

Bumalik kay Houston Rockets superstar James Harden ang kanyang ngitngit matapos nitong patalbugin ng malakas ang bola sa playing court, na ang ending ay ang pagtama sa kanyang sariling mukha.

Normal naman itong nangyayari sa basketball, ngunit tila nakakahiya kapag may ibang nakakita.

At iyon nga ang nangyari sa 2018 NBA MVP, sinundan ng masamang tingin ni New Orleans Pelicans guard Josh Hart na mismong sa harap niya tumambad ang blunder ni Harden.

Nainis si Harden dahil hindi nabitawan ang three-point heave sa pagtatapos ng first half.

Sa dulo ay si Harden pa rin ang nagwagi, nakaungos sa 126-123 victory kontra Pelicans kung saan tumapos ito ng may 29 points, five assists at four rebounds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?