119

Jul 17, 2018 @ 21:31
By

Hart ikakasa ang Lakers sa Summer League finale

Sa ikalawang sunod na taon, magtatagpo ang Los Angeles Lakers at Portland Trail Blazers sa NBA Summer League championship.

Sa semifinal, inalpasan ng Lakers ang Cleveland Cavaliers sa double overtime 112-109. Kinalos naman ng Blazers ang Memphis Grizzlies 97-92.

Noong isang taon, nagpasabog si Kyle Kuzma ng game-high 30 points para bitbitin ang Los Angeles sa 110-98 panalo kontra Portland.

Ngayong season ay si Josh Hart naman ang umeeksena sa Lakers, kontra Cleveland ay umiskor ng 37 points at nagbaba ng nine rebounds. Umayuda si Svi Mykhailiuk ng 31 points, may 20 si Jeff Ayres.

Parehong nagsumite ng double-double sina Caleb Swanigan at Zach Collins para itulak ang Blazers sa panalo sa isa pang semifinal. May 21 points at 16 rebounds si Swanigan, tumapos si Collins ng 13 at 12. Nanguna ang 22 points ni Archie Goldwin sa Blazers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?