19

Sep 16, 2021 @ 13:14
By

Harry Styles grabe lumaplap, netizens napapikit sa inggit

Napa-“sana all” na lang ang mga Directioners nang makita nila ang kakaibang Harry Styles sa isang upcoming horror film.

Maiispatan kasi sa teaser ng “Don’t Worry Darling” ni Olivia Wilde ang malalang paghahalikan nina Harry at Florence Pugh.

Maraming netizen naman ang nainggit sa kinatatayuan ng aktres.

Sesentro ang naturang pelikla sa 1950’s setting kung saan isang housewife kasama ang kanyang mister ang naninirahan sa isang ‘experimental community’ na nababalot ng hiwaga.

Nakatakda ang premier ng pelikula sa susunod na taon, Setyembre 23.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?