131

Jul 30, 2021 @ 11:48
By

Harry Roque tutol sa ECQ: Wala na tayong badyet!

Mariing tumutol si presidential spokesman Harry Roque sa posibleng pagpapatupad ng dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila dahil wala na aniyang badyet ang pamahalaan pang-ayuda sa mga residenteng maapektuhan nito.

Kaugnay ito sa pagpabor ng mga alklade sa Metro Manila na magpatupad ng mahigpit na lockdown dahil sa COVID spike at pagkalat ng Delta COVID variant.

Ayon sa ulat ng GMA News, nais din umano ng mga alkalde na magbigay ng ayuda ang pamahalaan sa mga pamilyang maapektuhan ng mahigpit na community quarantine.

“Hindi basta-basta puwede mag-ECQ sa Metro Manila. Hindi ko po alam kung mayroon tayong ayudang maibibigay,” giit ni Roque.

“Sixty percent of our GDP (gross domestic product) is from NCR Plus 8. Under a complete lockdown, people will lose jobs. Habang tayo ay nasa moderate risk, hayaan po muna natin magtrabaho ang ating mga kababayan,” dagdag pa niya.

Nito lamang Miyerkoles ng aprubahan ni Pangulong Rodirgo Duterte ang reokoemndasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases na palaiwigin ang GCQ with heieghtened restrictions sa Meto Manila mula Agosto 1 hanggang 15.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?