138

Mar 4, 2020 @ 15:58
By

Harry Roque nilamon na rin ng TikTok!

Kahit si dating presidential spokesman Harry Roque, nahawaan na rin ng ‘TikTok’ fever.

Sa kanyang tweet, game na sumayaw si Atty. Roque sa viral dance challenge sa tugtog na The Weekend ni Calvin Harris at SZA.


Marami naman ang naaliw sa abogado, ang isa pa’y sinabi na kinain na ng sistema si Roque.

“Panalo na to. Gising na gising. Di nakakatulog!” ayon kay @Ju1ioVa1ente.

“Haha! ang kulet! Nice moves Sir,” tuwang pahayag naman ni @gratus_lhentwit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?