159

Nov 2, 2017 @ 21:16

Harry Roque mababaw – Kabayan Rep. Salo

Muling nabuhay ang word war nina Kabayan Reps. Ron Salo at Harry Roque.

Matapos sabihin ni Roque na itutuloy ang ethics complaints, bumuwelta si Salo sa pagsasabing mababaw ang reklamo ng incoming Presidential Spokesman.

Ito’y dahil ang basehan lamang anya ng expulsion case ni Roque laban sa kanya sa Kamara ay ang umano’y paggamit niya ng pondo ng gobyerno sa pag-iimprenta ng disbarment case laban dito na inihain sa Korte Suprema.

Sabi ni Salo, halata namang for personal media mileage lang ang habol ni Roque.

Pinaalalahanan ng kongresista si Roque na tagapagsalita na ito ng pangulo kaya dapat ang inaatupag na nito ay ang mga bagay na may kinalaman sa interes ng bansa at hindi pang-personal.

Malaking responsibilidad anya ang pagiging Presidential Spokesperson at walang puwang ang paghihiganti sa serbisyo publiko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?