116

Jan 15, 2021 @ 15:32
By

Harry Roque kay Sara Duterte bilang presidential candidate: Siya ang pinaka-qualified, pinakahanda

Para kay presidential spokesperson Harry Roque, si Davao City Mayor Sara Duterte ang pinakaswak na maging susunod na pangulo ng Pilipinas.

Aniya, matagal pa man ang eleksyon ngunit nakikita niya na ang alklade ng lungsod ng Davao bilang pinaka-“qualified” na kandidatong tatakbo.

“Malayo pa naman po ang eleksiyon, so tutok na muna tayo sa pandemya,” aniya sa isang panayam.

“Pero sa akin po, tingin ko si Mayor Inday Sara, siya ang pinaka-qualified, pinakahanda at, as the survey shows, kung tatakbo talaga siya, siya talaga ang mananalo,” dagdag niya.

Kampante rin ang spox na si Inday Sara ang mananalo kung sakaling tumakbo sa pagkapresidente.

“[A]s the survey shows, kung tatakbo talaga siya, siya talaga ang mananalo,” saad niya.

Sambit pa niya, gagawin ni Sara ang tamang desisyon na makabubuti para sa kanyang ama na kasalukuyang Pangulo at sa mamayaman ng bansa sa tamang oras.

“Tingin ko Inday Sara will make the right decision at the right time kung ano ang makakabuti sa kaniyang ama at kung ano ang makakabuti sa sambayanang Pilipino,” aniya.

Matatandaang nanguna si Sara sa isang survey ng mga posible kumandidato bilang susunod na pangulo ng bansa sa 2022.

Agad naman itong kinontra ng alklade at sinabing huwag na sana muling madawit ang pangalan niya sa mga posibleng presidential candiate para sa susunod na taon.

“We continue to battle the effects of COVID-19 on our people and our country. Nevertheless, I respectfully suggest to survey organizations to remove my name from the choices,” sambit niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?