125

Nov 2, 2017 @ 18:35

Harry Roque, hindi kailangang dumaan sa CA – Pimentel

Niliwanag ni Senate President Koko Pimentel na hindi na kailangang humarap ni incoming Presidential Spokesperson Harry Roque sa Commission on Appointments (CA).

Si Pimentel ang chairman ng CA.

“The presidential spokesman, like the presidential legal counsel and executive secretary, should be 100 percent left to the discretion of the President,” ayon kay Pimentel.

“The presidential spokesperson, in my opinion, need not be confirmed anymore by the CA. The presidential spokesman does not run a department like the other secretaries,” dagdag pa ni Pimentel.

Una rito, sinabi ni Roque na pinipigilan pa siya ng ilang kapwa kongresista na magbitiw sa Kamara hanggang hindi raw siya lumulusot sa CA.

Pormal na uupo si Roque bilang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Nobyembre 6.

Binigyan ito ng ranggo na Cabinet secretary. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?