226

Oct 28, 2017 @ 10:22

Harry Roque, bagong spokesman ni Duterte

Si Kabayan Party-list Representative Harry Roque na ang bagong spokesperson ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Inihayag ito ng Pangulo sa birthday dinner ng mambabatas sa Davao City Biyernes ng gabi.

“Hindi na congressman, secretary na siya,” sabi ni Duterte.

“To get the message clear, sabi ko Harry will fit the – kasi medyo malikot ang bunganga namin,” dagdag pa nito
Pinalitan ni Roque si Ernesto Abella. Dadalo siya sa kanyang ynang Cabinet meeting sa Nobyembre 6. Siya ay may ranggong secretary.

Hindi naman malinaw kung bakit pinalitan si Abella ni Roque at kung bibigyan pa ito ng panibagong cabinet post.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?