22

Nov 8, 2021 @ 22:29
By

‘Harry Potter’ director interesado gawin ‘The Cursed Child’

Na-excite ang mga fan ng “Harry Potter” matapos ihayag ng direktor nitong si Chris Columbus na gusto niyang gawin ang movie adaptation ng 2016 stage play na “Harry Potter and the Cursed Child”.

Interesado rin siyang gumanap dito ang original cast na sina Daniel Radcliffe, Emma Watson at Rupert Grint, ayon sa Variety report.

Ani Columbus, “small fantasy” niya na idirek ang “The Cursed Child”.

Nasa tamang edad na rin daw sina Daniel, Emma at Rupert na gampanan ang mga role.

Kuwento ang “The Cursed Child” 19 na taon matapos ang 2011 film na “Harry Potter and the Deathly Hallows”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?