165

Aug 27, 2019 @ 11:59
By

Harris tinabla ng Alaska, Dawson ipapalit

Kasunod ng coaching change sa Alaska ay ang pagpapalit din ng import choice ng mga Milkmen.

Sa video ni Mike Harris, na napabalitang dapat ay magiging import ng Alaska, sinabi nito na hindi na siya pinabalik ng Aces dahil nag-iba umano ng direksyon ang koponan matapos ang coaching change.

Kasunod nito ay si Branden Dawson na ang tatapikin ng Alaska, 26-anyos mula Michigan State.

Nakuha sa NBA si Dawson noong 2015 ng New Orleans Pelicans, ngunit hindi pinaglaro.

Na-trade sa LA Clippers ngunit ni-relegate sa D-League, ganundin ang sinapit sa Orlando Magic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?