48

Nov 23, 2019 @ 10:56
By

Harris, Ravena ingat sa NorthPort

Nasilat ang NLEX sa Alaska 106-90 nitong Miyerkoles, pero ‘di na nabaklas sa top spot ng PBA Governors Cup ang Road Warriors.

Twice-to-beat pa rin ang NLEX laban sa No. 8 NorthPort sa quarterfinals na sisiklab sa Linggo sa Smart Araneta Coliseum.

Nag-iipon ng lakas ang Road Warriors, pero kailangan nilang maging alerto para ‘di malusaw ang win-once edge laban sa Batang Pier na tumalo sa kanila 102-94 nitong Nov. 13.

Pasabog ng 22 points si Manny Harris para giyahan ang NLEX, humugot din ng 19 mula kay Poy Erram, 17 kay JR Quinahan at 15 pa ni Kiefer Ravena.

Halatang lumuwag ang depensa ng Road Warriors sa mas determinadong Aces. Nalamangan ang hukbo ni Yeng Guiao ng hanggang 61-39.

Naibaba ng NLEX sa 11 ang hinahabol sa third quarter, pero hanggang doon na lang dahil ‘di na sila pinaporma pa ng Alaska.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?