46

By

Harris papasada na sa NLEX

Bagong mukha ang ipaparada ng NLEX laban sa Columbian sa first game ng PBA Governors Cup sa Ynares Center sa Antipolo mamaya.

Sabado lang dumating ang NBA veteran na si Harris, ipinalit kay Olu Ashaolu.

Nasa third place ng standings sa 4-1 ang Road Warriors, misyon na manatili sa top four para twice-to-beat sa quarterfinals tapos ng 11-game eliminations.

Mas simple ang target ng Dyip (3-2), kumakapit sa fifth at ambisyon lang na pumalaot sa playoffs sa unang pagkakataon sa ilalim ni coach Johnedel Cardel.

Iro-road test ng Dyip si Harris.

“Siyempre, bago at hindi pa sanay dito sa PBA style of play kaya puwedeng maging disadvantage sa kanila ‘yun,” ani Cardel.

Mabilis kumambiyo ang coach na ‘di lang si Harris ang concern nila.

“Meron pa silang Kiefer (Ravena) and the other guards kaya we have to do a good job defending their backcourt like what we did against Blackwater,” lahad niya.

Nitong Biyernes ay sinagasaan ng Columbian ang Elite 102-90.

Nag-a-average si Ravena ng 18.6 points, 9.4 assists at 5.0 rebounds at galing sa 13-point, 17-assist performance sa 113-111 overtime win ng NLEX kontra Ginebra nitong Oct. 5 sa Dubai.

Si Ravena din ang nag-alaga kay Harris, dahil nagkasama na sila noong 2016 sa Texas Legends sa NBA D-League.

Kilalang scorer ang 30-anyos na si Harris sapul pa noong high school at college sa Michigan. Ang skills na ‘yun ang nagdala sa kanya sa Cleveland Cavaliers, Los Angeles Lakers at Dallas Mavericks.

Nakapaglaro na rin siya sa Ukraine, Greece, China at huli sa Turkey.

Sa D-League, naglista si Harris ng single-game scoring records sa Canton Charge (46) at Los Angeles D-Fenders (56).

May depensa at rebound din si Harris, at kayang mag-create para sa teammates.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?