44

By

Harris magpapasakit pa ng ulo

Fireworks na sumabog ang PBA debut ni Manny Harris nitong Miyerkoles.

At nakikita ni NLEX coach Yeng Guiao na may ibubuga pa ang bago niyang import.

“He still has a lot of upside,” ani Guiao. “Once he gets used to our style of play, once he gets used to the time zone, we’re still going to get more from Manny.”

Masamang balita sa 12 pang teams na nagbabalyahan sa PBA Governors Cup.

Bago dumating nitong Sabado si Harris kapalit ni Olu Ashaolu, nauna nang naging usap-usapan ang kanyang husay umiskor.

Pinangatawanan niya ‘yun sa kinamadang 45 points para giyahan ang Rod Warriors sa 117-111 win kontra Columbian Dyip sa Ynares Center sa Antipolo.

Pasok ang 15 sa 28 na pukol mula sa field ng NBA veteran, isa lang ang lumabas sa kanyang 13 free throws.

Mukhang wala pa nga sa porma si Harris, dahil anim na buwan na nang huli siyang maglaro sa Turkey pa.

“He also had a hard time adjusting to the time zone,” paliwanag ni Guiao. “He’s still jet-lagged. He was not able to sleep regular hours. He woke up at night.”

Umiskor si Harris ng 18 sa first half bago nambarako ng 15 sa fourth quarter para ihatid ang NLEX sa panlimang panalo sa anim na laro.

Most points ang iniskor ni Harris para isang debuting import tapos magsumite ng 47 si Chris McCullough sa unang laro sa San Miguel Beer nitong Commissioner’s Cup.

“I feel okay,” pahayag ni Harris. “Just trying to get in game-shape because I haven’t played a game in a while. For sure, there’s always room for improvement.”

Mababawi ni Harris ang kanyang hininga, ilang araw na magpapalakas bago ang mabigat na laro kontra league-leading TNT (6-0) sa Biyernes sa Smart Araneta Coliseum.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?