76

Harris ginulat si Curry sa 3-point shootout

Isang underdog ang nangibabaw kontra sa kinukunsiderang hari ng tres na si Stephen Curry nitong Sabado (Linggo sa Manila) sa NBA All-Star 3-points shootout sa Charlotte.

Sa isang yugto sa final round, nagpasok ng dikit na 12 sunod na basket ang Brooklyn Nets player na si Harris tungo sa 26 points.

Nasilat si Curry na may 24, samantalang nasa ikatlong pwesto naman si Sacramento Kings guard Buddy Hield na may 19.

“Obviously, it’s incredible,” bulalas ni Harris. “Steph is the greatest shooter of all time. But, again, shooting off of the rack for a minute is not indicative of being a better shooter than Steph Curry. I don’t want anybody to get it twisted at all.”

Pito sa 10 contestants ng event ang nalaglag sa unang sultada kasama na ang defending champion na si Phoenix Suns star Devin Booker.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?