95

By

Harris, Brownlee kiskisan para sa Best Import race

Halos magkadikit sa PBA Best Import race ang Alaska import na si Mike Harris at Ginebra resident reinforcement na si Justin Brownlee sa 2018 Governor’s Cup.

Si Mike Harris, na dating NBA player, ay kasalukuyang may 60.4 statistical point na kanyang nakolekta sa 29.82 points, 21,73 rebounds, 2.64 assists at 1.36 rebounds sa eliminations.

Samantalang si Justin Brownlee naman ay nasa likod lang tangan ang 59.1 SP dahil sa kanyang all-around performance.

Ang one-time PBA Best Import of the Conference ay nakakamada ng 31.82 points, 12.91 rebounds, 6.91 assists, at parehas na 1.82 blocks at steals kada laro.

Si Phoenix workhorse Eugene Phelps naman ay ‘di rin malayo sa kanyang 58.0 SP. habang nasa 4th place naman ang NLEX import na si Aaron Fuller tangan ang 57.4 SP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?