40

Jan 5, 2022 @ 16:46
By

Hari, reyna ng Sweden positibo sa COVID

Nagpositibo sa COVID-19 sina King Carl XVI Gustaf at Queen Silvia ng Sweden, Lunes ng gabi.

Ayon sa Swedish Royal Court, nakararanas ng mga mild symptom ang 75-anyos na hari at 78-anyos na reyna.

Pareho umanong fully vaccinated ang Royal couple at nakatanggap na rin ng booster shot. Naka-quarantine na sila sa bahay.

Sina King Carl at Queen Silvia ay sumali sa listahan ng mga European royalty na nagpositibo nitong mga nakaraang linggo, kabilang sina Crown Princess Mary ng Denmark, Princess Beatrix ng Netherlands at Princess Anne ng Britain. (IS)

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?