590

By

Hari ng Thailand, nagpakasal sa kaniyang bodyguard

Pinakasalan ni Thai King Maha Vajiralongkorn ang kaniyang bodyguard at naging reyna nito.

Reyna na ngayon si Suthida Tidjai, 40, dating flight attendant, ilang araw matapos ang koronasyon sa Hari.

Hindi nag-iisa si Vajiralongkorn, 66, na unang royal na nagpakasal sa commoner dahil kapwa commoner sina Kate Middleton at Meghan Markle, na pinakasalan nina Prince William at Prince Harry, ayon sa pagkakasunod.

Ang ibig sabihin ng commoner ay isang ordinaryong tao o walang anumang titulo o ranggo. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?