57

Nov 26, 2019 @ 9:13
By

Harden, Westbrook ‘naloka’ kay Luka

Malaking bagay sa Dallas Mavericks na sampolan ang isa sa mga karibal nila sa West na Houston Rockets.

Umiskor si Luka Doncic ng 41, nagtistis ng season-high 31 si Tim Hardaway Jr. at ‘di naghabol ang Mavericks sa 137-123 panalo laban kina James Harden, Russell Westbrook at Rockets.

“This is a big win. There’s no question about that,” ani Dallas coach Rick Carlisle.

Sa kasalukuyang ratsada ng Mavericks, isa sa mahigpit na magiging karibal nila sa playoffs ang Rockets.

May 45 points sa first quarter ang Mavs at abante 78-60 sa halftime. Naka-19 si Hardaway sa half, 17 kay Doncic at 15 si Kristaps Porzingis.

“That first quarter killed us,” himutok ni PJ Tucker ng Houston.

Saan nagkamali ang Rockets?

“Everything,” sagot ni Harden. “We allowed them to do whatever they wanted to do from the beginning of the game and when you give a team like that comfort — they gain confidence. And that’s what they did.”

Sa dakdak ni Dwight Powell ay dumistansiya ng 11 sa kaagahan ng fourth ang Mavs, sumagot ng 6-0 mini-run ang Houston para idikit 110-105, 9 minutes pa.

Abante pa ng lima ang Dallas nang ilista ang sumunod na limang puntos, tinapos ng dakdak ni Hardaway 119-109. Hindi na nakalapit ang Rockets.

Kumana ng six straight points si Doncic, huli ang 3 para pabukahin sa 132-113.

Tumapos si Harden ng 32 pero 2 for 15 lang sa 3s. Overall ay 10 for 44 mula long range ang Houston.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?