139

Jun 26, 2018 @ 12:01
By

Harden wagi kontra LeBron, Davis bilang MVP

Naiuwi ni Houston Rockets point guard James Harden ang una niyang Most Valuable Player award sa ginanap na NBA Awards sa Santa Monica, California.

Tinalo niya sina four-time MVP LeBron James ng Cleveland Cavaliers at New Orleans Pelicans’ Anthony Davis para sa karangalan.

Si Harden ang ikatlong manlalaro sa kasaysayan ng Rockets na pinangalanang MVP.

Nakasama na siya nina Moses Malone, na dalawang beses noon nasikwat ang MVP (1979, ’82), at Hakeem Olajuwon (1994) na nagbigay ng dangal sa Houston.

Kasama ni Harden ang kanyang ina nang kunin ang tropeo kay NBA commissioner Adam Silver.

“I’m not getting emotional, I’m not doing all that, but she’s my backbone,” ani Harden. “Good times, bad times. … We only get one life and I’m happy she’s my mom. I wouldn’t have it any other way, for real.”

Si Harden ang nanguna sa liga sa larangan ng scoring noong nakaraang season.

Nag-average siya ng 30.4 points, 8.8 assists at 5.4 rebounds kada laro para buhatin ang Rockets sa No. 1 seed sa Western Conference playoffs. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?