51

Jan 20, 2019 @ 18:59
By

Harden, Rockets naitakas ang panalo laban sa Lakers

Hawak ang momentum noong huling laro laban sa Oklahoma City Thunder, kontrolado ng Los Angeles Lakers ang laro nila laban sa Houston Rockets. Ngunit na-ankle sprain si Lonzo Ball noong third quarter at doon na nakahabol ang Rockets sa pagkakatambak at tinapos ang laro sa overtime sa iskor na 138-134.

Nagbiro pa si Lakers head coach Luke Walton na maituturing na niyang success kung mapigilan nila si Rockets star James Harden na maka-50 points. Nagtapos si Harden na may 48 points, 8 rebounds at anim na assists.

Maganda ang simula ni Kyle Kuzma na gumawa ng 20 points sa first quarter, dahil sa mainit na three-point shooting at ito ang pinakamataas na naiskor ng isang Laker mula noong si Kobe Bryant noong 2011.

Umabot pa sa 21 points ang kalamangan ng Lakers ngunit nasira ang kanilang momentum nang magkabanggaan si Lonzo Ball at James Ennis III at natapilok si Ball. Namilipit si Ball at saka tumawag ng timeout ang Lakers at binitbit ng dalawang teammates papunta sa locker room.

Doon na hinabol ng Rockets ang kalamangan ng Lakers at naitakbo ang panalo sa overtime. Sumahog pa si Eric Gordon ng 30 points, 5 rebounds at apat na assists.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?