101

Jul 21, 2018 @ 17:27
By

Harden, Paul, Anthony papasabog sa Houston?

Hindi malayong magsama sa Houston sina James Harden, Chris Paul at Carmelo Anthony.

Nakipagkasundo na raw ang Oklahoma City Thunder para i-trade si ‘Melo sa Atlanta Hawks. Ayon sa ESPN, pagdating ni Anthony sa Atlanta ay bibitawan din agad siya at magiging free agent.

Ang Rockets daw ang una sa listahan ng teams na nanliligaw kay Anthony, bagama’t napaulat na kursunada rin siya ng Miami Heat.

Bukod kay Anthony at kanyang $27.9 million expiring contract, binigay din ng Thunder ang 2022 protected first-round pick sa Hawks kapalit nina guard Dennis Schroder at forward Mike Muscala.

Base sa deal, pakakawalan agad ng Oklahoma City si Muscala papuntang Philadelphia kapalit ni 76ers forward Timothe Luwawu-Cabarrot at bibigay naman ng Sixers si guard Justin Anderson sa Atlanta.

Inaasahang magiging epektibo ang bilis ni playmaking point guard Schroder sa Thunder sa likod ni Russell Westbrook.

Pinakawalan ng Hawks ang 24-anyos na si Schroder, starter sa 161 games sa limang NBA seasons, dahil nakuha nila si Trae Young na fifth pick overall ng Dallas nitong nakaraang draft, at si veteran point guard Jeremy Lin mula Brooklyn. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?