73

Mar 26, 2018 @ 11:59
By

Harden nagliyab nang asarin

Masamang iniirita si James Harden, lalo ng kalaban.

Itinatali ni Harden ang sintas ng sapatos sa second quarter ng 114-91 win ng Houston laban sa New Orleans nang bateryahin ni DeAndre Liggins ng Pelicans.

Ginulo ni Liggins ang sintas. Hindi nagsalita si Harden, tumigil lang sandali bago itinuloy ang pagtatali.

Sa ibang paraan gumanti si Harden, makalipas lang ang ilang segundo ay umangat sa harap ni Liggins para magbaon ng long 3.

Sa sumunod na posesyon ng Rockets, harap-harapan pa ulit na tinirahan ni Harden ng 3 si Liggins para ilayo ang iskor 61-35.

Wala daw alam na dahilan si Harden kung bakit ginulo ni Liggins ang pagsisintas niya.

“I don’t know,” anang Houston star. “No comment.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?