405

May 11, 2019 @ 12:34
By

Harden nagkalat, GSW akyat sa West finals

Dalawang turnover sa huling tatlong minuto ng laro ang nailista ni Houston Rockets star James Harden na naging mitsa ng paglaglag ng koponan sa postseason.

Sa unang blunder lamang lang ng Golden State Warriors ng dalawa, 102-100, habang tangan ni Harden ay bola ay tinulak nito si GSW forward Draymond Green dahilan para matawagan ng offensive foul, 2:24 ang nalalabi sa oras.

Ilang sandali lang ay nakalipas, lamang pa rin ang GSW ng manipis, 107-102, matapos ang tres ni Stephen Curry ay nag-inbound si Harden.

Ang siste, malamya ang pasa at naagaw ni Klay Thompson dahilan para matapyas ang oras na posible sanang nagamit para makahabol.

Tumapos si Harden ng may anim na turnover, tatlo ay sa last three minutes, kahit pa mayroon itong 35 points, eight rebounds at limang assists.

Nanguna naman para sa Golden State si Curry na nagbuhos ng 33 points, five boards at four dimes. May pitong tres naman si Thompson para sa 27 markers.

Hihintayin na lang ng GSW ang mananalo sa serye mg Portland at Denver na tabla sa 3-3.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?