harden
By

Harden, lumiyab ng 44 sa Rockets vs Wolves

Sharing is caring!

Nilangisan ni James Harden ang fourth-quarter at bumuhat ng 44 points para patirin ang Minnesota Timberwolves, 104-101, Linggo ng gabi (Lunes, oras sa Pinas) sa Game 1 ng first-round playoff series.

Umiskor ang Minnesota ng apat na sunod na puntos para lumapit ng tatlong puntos na lang na pagkakaiwan, 30 segundo sa orasan.

Pero rumesponde ng dalawang free throws si Chris Paul para sa Rockets.

Agad namang sumagot ang T-Wolves sa pamamagitan ng tip-in ni Karl-Anthony Towns para ibalik ulit sa tatlo na lang ang abante ng Minnesota.

Nagkaroon ng tsansa ang Timberwolves na itabla ang iskor dahil sa masamang pasa ni Paul pero kinapos ang panablang tiral ni Jimmy Butler.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?