41
nba

Harden, LeBron, Davis bakbakan sa MVP

Sharing is caring!

Pinangalanan sina Houston Rockets guard James Harden, Cleveland Cavaliers forward LeBron James at New Orleans Pelicans forward Anthony Davis na finalists para sa Most Valuable Player award ng NBA.

Ang magwawagi ay iaanunsiyo sa Hunyo 25, apat na araw matapos ang NBA draft.

Unang pagkakataon ito para kina Harden at Davis na makakuha ng MVP award.

Nag-a-average si Harden ng career-high 30.4 points per game.

Sinahugan niya pa ito ng 8.8 assists at 5.4 rebounds kada laro.

May average naman si Davis ng career-high 28.1 points, 11.1 boards at 2.6 blocks, kasama na ang personal-best niyang 2.3 assists per game.

Samantala, apat na beses nang nakapag-uwi ng MVP award si James.

Taong 2008-09, 2009-10, 2011-12, 2012-13.

Tinapos niya ang regular season na may average na 27.5 points, 9.1 assists at 8.6 rebounds per game.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?