Harden kumana ng 41 sa panalo ng Rockets vs Jazz sa Game 1

Sharing is caring!

Nagtipon si James Harden ng 41 puntos para pangunahan ang Houston Rockets sa pagwasiwas sa Utah Jazz 110-96 sa Game ng Western Conference semifinals nitong Linggo (Lunes sa Pilipinas)

Lamang ng 25 ang Hoston sa halftime, sa likod ng pinagsamang 34 puntos nina Harden at Chris Paul.

Iyon ang pang-apat na sunod na panalo ng Rockets na may lamang na 10 puntos o higit ngayong postseason. Tinalo nila ang Jazz sa average na 16.8 puntos sa limang sunod na laro kasama na ang Game 1 sa semis.

Nanguna sa Jazz ang rookie na si Donovan Mitchell at Jae Crowder na parehong may 21 puntos. Hindi nakapaglaro ang point guard na si Ricky Rubio dahil sa strained left hamstring. Si Rubio ay nag-aaverage ng 14 puntos, 7.3 rebiunds at pitong assists sa first round.

May 10 3-pointers ang Rockets sa halftime, sa pangunguna nina Harden at P.J. Tucker na may tig-3. Umabot sa 17 ang tres ng Rockets, pito dito ay mula kay Harden.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?