78

By ,

Harden, Davis, Walker at Lillard headline sa Team USA sa FIBA World Cup

Sina James Harden ng Houston Rockets, Anthony Davis ng New Orleans Pelicans, Kemba Walker at Damian Lillard ng Portland Trail Blazers ang headline ng Team USA provisional roster na sasabak sa FIBA World Cup sa China.

Si San Antonio coach Gregg Popovich ang magsisilbing national team head coach at katuwang si Team USA managing director Jerry Colangelo para kumuha ng mga manlalaro na shooters at matatangkad.

May 20 players ang inimbitahan sa training camp ngayong August sa Las Vegas at may 12 manlalaro ang kukumpleto sa final roster na sasalang sa pool games sa Shanghai.

Dagdag sa inimbitahan ang mga gwardiyang sina Bradley Beal ng Washington Wizards, CJ McCollum ng Blazers, Khris Middleton ng Milwaukee Bucks, Eric Gordon ng Houston Rockets, Harrison Barnes ng Sacramento Kings at si Kyle Lowry ng Toronto Raptors.

Makakasama rin ang mga big man sa provisional roster gaya nina Tobias Harris at Kevin Love ng Cleveland Cavaliers at ang defensive specialist big men Andre Drummond ng Detroit Pistons and Myles Turner ng Indiana Pacers.

“This group of players was picked for a variety of different reasons. Some similar, but you’ll find some who are already stars, others who have improved year in and year out and others who are budding stars. Each of them certainly deserves the honor to have the opportunity to try out for the team,” sabi ni Popovich.

Nagdagdag din ng anim na manlalaro si Popovich na hindi pa sumasabak sa national team gaya nina free-agent Brook Lopez, Kyle Kuzma ng LA Lakers, Donovan Mitchell ng Utah Jazz, Jayson Tatum ng Boston Celtics, P.J Tucker ng Houston Rockets at ang bagong free-agent na si Paul Millsap.

“It was important in the selection to have young players, older players, players who are going to become stars in time. I think that was important for the mix,” dagdag ni Popovich.

Ayon kay Colangelo, mahabang panahon ang kanilang inilaan at ginugol para mahanap at maayos ang provisional roster na ito.

“It’s quite a group of individuals who have accomplished a great deal in their collegiate and, more importantly, their NBA careers. Everyone has real strong credentials, and we are pleased with the mix of talent,” ani Colangelo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?