9

Oct 19, 2020 @ 14:22
By

Harden binago ang buhay ng Rockets GM

Isang full-page advertisement sa Houston Chronicle ang naging daan ni former Houston Rockets general manager Daryl Morey para pasalamatan ang ilan sa kanyang mga nakasama sa koponan kabilang na si Rockets superstar James Harden.

Parte sa nasabing pahina ay inalay ni Morey para sa former NBA MVP na may katagang “James Harden changed my life.”

“An entire page could be dedicated just to James. He not only transformed my life but also revolutionized the game of basketball — and continues to do so — like almost no one has before. The game is played differently because of James, and on every playground in the world, the next generation of talent is studying and imitating his game, ” mensahe ni Morey.

“I can’t believe I won’t be able to have another strategy session with James. I loved working together on how to get his incredible Hall of Fame teammates Dwight Howard, Chris Paul, and Russell Westbrook to the Rockets. I will be rooting for James to win a championship in Houston. It’s how this story should end, “litanya pa nito.

Hindi rin kinalimutan ni Morey na pasalamatan ang syudad ng Houston at sa Rockets fans.

Noong Biyernes, bumama sa posisyon si Morey matapos ang 13 seasons kasama ang Rockets.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?