15

Sep 29, 2020 @ 0:03
By

Harden aakayin ni D’Antoni pa-76ers

Posibleng mahatak ni coach Mike D’Antoni si James Harden paalis ng Houston?

Bumitaw na sa Rockets si D’Antoni, available sa free market.

Interesado sa serbisyo niya ang 76ers.

Lumabas ang ulat ng NBA Sports Philadelphia na may tsismis na posibleng mahatak ni D’Antoni ang scoring machine na si Harden.

“I’m hearing one of the reasons along with coaching that Sixers have a lot of interest in Mike D’Antoni is feeling with some in organization that he could help lure James Harden to Philly,” tweet ni John Clark.

Posibleng magmaniobra sa trade.

‘Yun ay kung naiisip ni Harden na iwan na rin ang Rockets.

Sa 2022 magiging free agent ang The Beard. Pero 33 na siya nu’n.

Naging scoring monster si Harden sa ilalim ni D’Antoni. Makailang ulit naging scoring champion si Harden sa Houston, hinahayaan lang siya ng coach na dumiskarte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?