49

Harassment sa party-list groups, set-up ng Palasyo – Makabayan

Mariing kinondena ng Makabayan bloc sa Kamara ang umano’y lantarang red-tagging at pambu-bully ni Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang administrasyon, partikular si Communications Secretary Martin Andanar.

Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Andanar na isa sa mga paraan para madurog ang kilusang komunista ay huwag iboto ang mga party-list sa darating na eleksiyon na aniya’y kilalang legal fronts o supporter ng Communist Party of the Philippines (CPP).

Kasunod ito ng direktiba ni Pangulong Duterte na wasakin ang mga rebeldeng komunista.

Ayon sa Makabayan bloc, sine-set up sila ng Presidente at ni Andanar sa pag-atake ng mga awtoridad sa pamamagitan ng mga gawa-gawang kaso, harassment, enforced disappearances at maging extrajudicial killings (EJKs) dahil sa patuloy na “verbal attacks” at black propaganda laban sa kanila.

Sabi ng grupo, dahil sa militarisasyon sa administrasyong Duterte, ayaw nang tumanggap ng kritisismo ng gobyerno kaya gustong patahimikin lahat ng kumukontra sa anti-people policies nito.

Patunay anila rito ang patuloy na pag-atake sa oposisyon at human rights defenders, gayundin sa pagputol sa peace negotiations sa pagitan ng pamahalaan at ng National Democratic Front of the Philippines. (pearl serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?