4,057

By

Harapin mo, magpakalalaki ka! – FG Arroyo kay Trillanes

Sharing is caring!

Binasag ni dating First Gentleman Mike Arroyo ang kanyang katahimikan ukol sa pagbawi ng amnestiyang iginawad kay Senador Antonio Trillanes IV nitong Martes, Setyembre 4.

Ayon sa dating FG, dapat umanong ‘wag maging duwag ang senador at sumuko na ito sa awtoridad para harapin ang kaso laban sa kanya.

“Trillanes, Man up you coward. Instead of hiding in the senate, surrender to the authorities and prepare for your defense.” pahayag ni Arroyo sa kanyang naging Facebook post.

Matatandaang naging sentro ang pamilya Arroyo, partikular si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, sa naging Oakwood mutiny noong 2003, at Manila Peninsula Siege noong 2007 para patalsikin ang dating Pangulong Arroyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?