shabu20
By

Hapon, 2 pa timbog sa drug bust sa Makati

Sharing is caring!

Natuldukan na ang pagsa-shopping ng droga sa bansa ng isang Japanese national nang maaresto sa isang operasyon sa Makati City kamakalawa.

Sa ulat ng Southern Police District, ang naarestong banyaga ay nakilalang si Haruhisa Nakamura, 52, ng Tokyo, Japan.

Kasamang nahuli sina Merwin Villanueva, 20, Grade 11 at residente ng Barangay 72, Pasay City at ang kanyang 16-anyos na live in partner na si Carla (hindi tunay na pangalan).

Ang dalawa ang sinasabing nag-deliver ng droga kay Nakamura.

Nabatid na alas-5 ng hapon nang isagawa ng mga tauhan ng Makati City Police Drug Enforcement Unit ang buy bust operation sa Room 106 ng Virra I Condominium sa Barangay Poblacion.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu at ang P2,000 buy bust money.

Madalas na nagpupunta sa Pilipinas si Nakamura para bumili ng droga at mag-recruit ng mga Filipina na magta-trabaho bilang entertainers sa Japan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?