175

Jul 12, 2021 @ 8:47
By

Hannah Arnold kinoronahang Bb. Pilipinas International 2021

Nasungkit ni Hannah Arnold ang titulong Binibining Pilipinas International sa isinagawang coronation night nitong Linggo sa Araneta Coliseum.

Tinalo ng tubong Masbate ang 33 pang kalahok sa Binibining Pilipinas 2021 para makuha ang korona.

Bukod sa kanyang beauty, pasok din sa banga ang katalinuhan ni Arnold sa question and answer portion nang tanungin kung may freedom of speech ba sa Pilipinas.

“First of all, freedom of speech is a basic human right that we all must remember It is important for a democracy. With our upcoming elections, we definitely need free speech. For example on Twitter, we are limited to few characters and what I’ve seen from these tweets has been powerful and has helped me think about who I would like to vote for in the upcoming elections,” sey ni Arnold.

Bukod kay Hannah, heto pa ang ilang nakakuha ng korona sa Bb. Pilipinas 2021:

  • Samantha Alexandra Panlilio, Cavite – Binibining Pilipinas Grand International 2021
  • Cinderella Faye Obeñita, Cagayan de Oro, Misamis Oriental – Binibining Pilipinas Intercontinental 2021
  • Maureen Ann Montagne, Batangas – Binibining Pilipinas Globe 2021
  • Gabrielle Camille Basiano, Borongan, Eastern Samar – Binibining Pilipinas Globe 2021
  • Meiji Cruz, Valenzuela City – 2nd runner-up
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?