May ibang pakahulugan ang mga netizen kay Pami, ang opisyal na mascot ngayong Southeast Asian Games 2019 na iho-host ng Pilipinas.
FUN FACTS about the new mascot for the PH-hosted #SEAGames2019, Pami:
1.) “Pami” comes from the word “pamilya,” referring to political dynasties like the Dutertes who enrich themselves in office.
2.) Its shape is inspired by viruses, like our Dengue, Measles, & Polio outbreaks. pic.twitter.com/InAZOrjGQx
— Superficial Gazette 🇨🇳🇵🇭 (@SuperficialGZT) October 4, 2019
Una, ayon sa Superficial Gazette sa Twitter, nanggaling umano ang pangalang “Pami” sa “pamilya,” na patungkol umano sa mga political dyansty sa gobyerno ng Pilipinas.
Ang hugis naman daw nito ay hinango sa mga lumalaganap na outbreak ng sakit sa bansa, gaya ng dengue, measles, at polio.
Nakiambag naman sa kakaibang kahulugan ang iba pang netizen.
“The red symbolizes the blood of children spilt in the name of justice. The blue symbolizes the territorial waters we have given over to China. The growth on the side of its face symbolizes the cancer of misinformation that is slowly but surely killing our society,” ani @bentot94.
Samantala, in-imply naman ng isa pang netizen na hawig sa mga mata ni Chinese President Xi Jinping ang mga mata ni Pami.
— ningning (@NingNingx1) October 5, 2019