140
amihan
By

Hanging amihan iiral ngayong Pebrero

Mas malalamig na madaling araw habang makulimlim at maulap ang mararanasan sa buong araw ngayong buwan ng Pebrero dahil sa patuloy na pag-ihip ng hanging amihan na apektado ang buong bansa.

Ayon sa tala ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), walang bagyong mabubuo sa loob ng Philippine area of responsibility (PAR) subalit makararanas naman ang buong bansa ng maulap at bahagyang pag-ulan na dulot ng malamig na panahon.

Nakararanas ngayon ang Metro Manila ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin ang iiral na mayroong isolated na mga pag-ulan habang sa Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at mga lalawigan ng Aurora at Quezon ay makararanas ng maulap na papawirin na may mahihinang pag-ulan dahil sa amihan.

Nakataas pa rin ang gale warning sa mga baybayin ng Batanes, Cayalan, Babuyan, Cagayan at Ilocos Norte.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?