44

By

Hangga’t walang utos sa SC, Chico River project tuloy – Palasyo

Handa ang Malacañang na harapin ang aksiyon ng Makabayan Bloc na kuwestiyunin sa Korte Suprema ang pinasok na loan agreement ng gobyerno sa China at ipatigil ang Chico River Irrigation Project.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na welcome sa Palasyo ang anumang hakbang ng oposisyon kung inaakalang unconstitutional ang kasunduang pinasok ng Pilipinas sa China.

Dumaan aniya sa masusing pag-aaral ng mga economic manager ang loan agreements sa China at pumasa ito kaya nagkaroon ng kasunduan at naisulong ang mga proyektong mapapakinabangan ng maraming Pilipino.

“The Palace always welcomes any move to question its action if they feel it’s not within the law,” ani Panelo.

Hangga’t walang utos aniya ang Kataas- taasang Hukuman na itigil ang Chico River project ay magpapatuloy ang pag-usad ng proyekto.

“If there is no order from the Supreme Court stopping it, then it’s a ‘go’,” dagdag pa ni Panelo.

Nauna rito duda ang Makabayan Bloc na dehado ang gobyerno sa pinasok na kasunduan sa China para sa nasabing proyekto kaya nais nila itong kuwestiyunin sa Korte Suprema at igiit na ipatigil ang proyekto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?