14

Sep 24, 2020 @ 11:31

Hangga’t ‘di naaawat HR ‘assaults’, 24 US solon ayaw pondohan ‘Pinas

riley cea

Pinahaharangan ng 24 mambabatas sa Amerika ang pagpondo ng US sa Pilipinas hangga’t hindi anila naaawat ang “pag-atake” sa mga karapatang-pantao ng gobyernong Duterte.

Hinain ni Pennsylvania 7th Congressional District Rep. Susan Wild, kasama ang 23 co-sponsor, ang H.R. 8313 o ang Philippine Human Rights Act.

Balak nitong suspindehin ang pagbibigay-pondo ng United States sa mga pulis at sundalong Pinoy hangga’t “hindi napatutunayang nawakasan na ang mga pag-atake sa mga karapatang-pantao”.

Binatikos ni Wild ang kapapasa pa lang na Anti-Terrorism Law sa ating bansa na aniya’y tinatarget ang mga lider ng unyon, at ang oposisyon ng administrasyong Duterte.

“Today, across the Philippines, Rodrigo Duterte’s brutal regime is using the pretext of a so-called anti-terrorism law to ramp up efforts targeting labor organizers, workers, and political opponents. This law allows suspects to be detained by the police or military without charges for as long as 24 days and placed under surveillance for up to 90 days,” lahad ni Wild.

“In response to these abuses, I introduced the Philippine Human Rights Act, which would block U.S. funding for police or military assistance to the Philippines, outlining a series of basic criteria which would have to be met in order to resume such funding,” aniya pa.

Binanggit niya ang mga labor group na nakiisa sa kanyang panukala, kabilang ang AFL-CIO, Service Employees International Union, Teamsters, at Communication Workers of America.

“They understand that in fighting for their brothers and sisters in the labor movement abroad, they are also helping safeguard their own rights and dignity here at home,” sabi ng American congresswoman.

“Let us make clear that the United States will not participate in the repression. Let us stand with the people of the Philippines,” saad niya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?