954

May 7, 2021 @ 20:26
By

Hanggang malagutan ng hininga: Corporal sumaludo sa mga doktor, nurse

Madamdamin ang pamamaalam ng isang opisyal ng militar dahil inilaan niya ang kanyang huling hininga upang pasalamatan at saluduhan ang lahat ng doktor at nurse na walang kapaguran ngayong pandemya.

Sa Facebook post, ikinuwento ng anak na si Raymond Mercado na sa kabila ng pambabatikos na nababasa at napapanood ng kanyang amang si Corporal Romelo Mercado sa social media ay hiniling nito sa kanya na maglabas ng “appreciation post” para sa mga frontliner.

Ilang taon daw nagtrabaho ang kanyang ama sa PGH CCTV Monitoring kaya batid nito ang hirap at sakripisyo ng mga frontliner, na ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya para matulungan ang mga Pilipino.

“Gusto niya ipaalam sa lahat na wag sana natin sisihin yung healthcare system sa nangyayari sa atin. Instead of blaming them, sa huling hininga niya he salute to all the doctors and nurses na pumupunta sa kanya to check his condition,” saad ni Raymond.

“Saksi siya kung paano lumalaban ang mga doctor at nurse araw araw, kaya sabi niya sa huling hinga niya daw ang gusto niyang gawin is saluduhan lahat ng nag-aasikaso sa mga nagdurusa sa panahon ngayon.

“Sa lahat ng frontliners, tanggapin po ninyo ang taos pusong pag saludo na nais iparating ng papa ko. Guide us from above Corporal Romelo Mercado.”

Rest in Peace Pa!

“Ilang taon akong nagtrabaho sa PGH CCTV Monitoring, alam ko lahat ng hirap at sakripisyo nila. Kaya…

Posted by Raymond Mercado on Saturday, May 1, 2021

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?