3,343

Dec 24, 2018 @ 13:23

Hanggang kailan tayo magtitiis ng karahasan? – Christmas message ni Archbishop Villegas

Palaban ang laman ng Christmas message ni Dating Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) President at Lingayan-Dagupan Archbishop Socrates Villegas.

Ayon kay Villegas, tayo ngayon ay nahaharap sa kadiliman na kagaya ng dilim na naranasan noong ipanganak si HesuKristo dalawang libong taon ang nakakalipas.

Pinuna ng arsobispo ang diumano’y nagaganap na karahasan sa mga kalaban sa pulitika, ang tumataas na bilang ng mga hindi nareresulbang kaso ng pagpatay; ang problema ng droga at mga napapalayang kriminal at mga kalribal na binabantaan ng pagkabilanggo.

Bagamat hindi direktang binanggit si Pangulong Duterte, inilahad ni Villegas ang pahayag noon ng punong ehekutibo laban sa mga pari at ang panghihikayat nito na huwag nang magtungo sa mga simbahan at ang pagtawag sa kanilang mga alagad ng simbahan na “walang silbi.”

Pero hindi umano dapat na magsawalang kibo ang mga Katoliko na dapat umanong manindigan para sa Panginoon.

“How long must we endure these? What is Christmas for? Is this what we have become as a Catholic nation? The answer must be NO! We must resist the spread of vulgarity and the contagion of violence. There is no Christmas hope for the cowards and the timid. Christmas demands that we stand up bravely for the Lord!” saad ni Villegas.

Aniya, itinuturo sa atin ng Pasko na ang pagpatay ay hindi makatao at hindi ito solusyon sa mga sibilisadong lipunan.

“Herod wanted to kill Goodness and Love. We must be like the angel who led the Child and his parents into safety away from murder. In solving problems by killing, we side with Herod not with Christ,” dagdag ng arsobispo. / MARICEL DIAZ

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?