18

Jul 15, 2021 @ 19:53
By

Handshake, change court ekis sa PVL

Striktong health protocol ang paiiralin ng Premier Volleyball League (PVL) sa pagsisimula ng Open Conference ngayong Sabado.

Ilan sa kanilang mga protocol ang pag-alis sa change court sa laro at ang tradisyonal na handshake ng mga manlalaro pagkatapos ng laban.

Ang mga naturang protocol ay nagawa na sa FIVB Volleyball Nations League noong Mayo.

“Okay lang sa kanila [teams] kasi it’s for their own good. Kasi the teams, they have their own equipment, water ganon so ‘pag lumipat kung may infected don madadamay lahat,” pahayag ni PVL president Ricky Palou.

Sa warm up pa lamang ay tig-isang bahagi lamang ng court ang gagamitin ng bawat koponan. Bibigyan naman sila ng sapat na oras para magwarm up.

Ang mga nasa court at ang head coach lang din ang papayagang maghubad ng face mask sa gitna ng laban.

Magkaiba rin ang exit ng mga koponan pagkatapos ng laro.

Sampung koponan ang magbabakbakan sa Open Conference.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?